Paano poprotektahan ang sarili mula sa mga imposter scam

Kaalaman tungkol sa panloloko By Western Union Fraud Prevention Team March 31, 2025

Talamak na ang mga imposter scam, at nagiging mas creative na ang mga scammer sa mga panloloko nila. Posibleng magpanggap sila na kakilala natin, halimbawa, bilang kapamilya, kaibigan, o kahit bilang bangko natin. Iisa lang lagi ang layunin nila: ang lokohin tayo na magpadala ng pera o mag-share ng personal na impormasyon.

Narito ang aming mga tip para maging #BeFraudSmart:

Manatiling kalmado at mag-check muna

Kapag nakikipag-usap sa atin ang mga scammer, kadalasan ay inaapura nila tayo. Puwede nilang sabihin na may problema ang account natin o may kailangan tayong bayaran. Ang unang dapat nating gawin ay manatiling kalmado. Huminga nang malalim! Kung matataranta ka, mas mahihirapan kang tumukoy ng scam.

Huwag ding gumamit ng mga contact detail mula sa kakaibang email o message. Posibleng bahagi ng scam ang mga ito!

Mag-stick sa mga regular mong paraan ng pagbabayad

Kung may hihiling sa atin na mag-money transfer sa paraang parang kakaiba o parang madalian, kailangan nating magdalawang-isip. Hindi hihilingin ng mga totoong negosyo, bangko, at government group na magpadala ng pera gamit ang mga kakaiba o mapanganib na paraan. Gagamit sila ng mga mapagkakatiwalaang paraan na alam na natin dati pa, gaya ng mga credit card, bank transfer, o mga official online payment.

Bantayan ang mga babalang senyales

Sinusubukan ng mga scammer na magtunog-official, pero kadalasan ay may mga palatandaan na may mali:

  • Pangit ang pagkakasulat: Humanap ng mga kakaibang salita, typo, o mali sa grammar.
  • Kakaiba ang formatting: Tingnan kung may mga kakaibang font, all caps, o kakaibang space sa pagitan ng mga salita.
  • Namimilit ang mga message: Puwede silang gumamit ng mga subject line na “Kailangan ng Agarang Aksyon!” para apurahin tayo.
  • Kakaiba ang mga contact detail: Posibleng halos parang totoo ang email o phone number, pero may ilang maliliit na pagbabago ang mga ito (mga sobrang letra o numero).
  • Humihingi ng sensitibong impormasyon: Maging maingat sa pag-share ng mga password, detalye ng credit card, o pribadong impormasyon. Hindi kailanman hihingi ng mga sensitibong detalye ang mga lehitimong source—online, sa pamamagitan ng tawag, o nang personal—o hindi ka nila kailanman uutusan na iwanan ang card mo sa isang pampublikong lugar.

Magtiwala sa kutob mo

Kung empleyado ng kumpanya o pamahalaan ang kausap mo at parang may mali, magtiwala sa kutob mo. Magalang at propesyonal ang tunay na empleyado. Kung bastos o mapilit ang tao, ibaba ang tawag at tawagan mismo ang kumpanya gamit ang mga opisyal nilang contact detail.

Sundin ang golden rule

Ang pinakamadaling paraan para makaiwas sa mga scam ay ang hindi kailanman pagpapadala ng pera sa hindi mo pa nakikilala nang personal. Kadalasan, nagpapanggap ang mga scammer na kaibigan o kamag-anak na nangangailangan ng pera sa lalong madaling panahon. Palaging mag-ingat sa mga money transfer at gumamit lang ng mga mapagkakatiwalaang serbisyo gaya ng Western Union kung nagpapadala ka ng pera sa kakilala mo.

Mag-report ng kahina-hinalang aktibidad

Kung sa tingin mo ay na-scam ka, huwag nang patagalin pa ang pagre-report. Kung mas mabilis kang kikilos, mas maganda! Kontakin ang fraud hotline ng bansa mo at bisitahin ang Western Union Fraud Resource Center para sa tulong. Kung mas maagap mo itong maire-report, mas maliit ang pinsalang maidudulot nito—at puwede rin nitong maiwasang ma-scam ang iba.

Mapanlinlang man ang mga imposter scam, pero kung may kaalaman ka, mapoprotektahan mo ang sarili mo at ang mga taong mahalaga sa iyo. Manatiling may alam, magtiwala sa kutob mo, at sundin ang mga simpleng hakbang na ito para manatiling ligtas. Kaya mo ’yan!