Exciting lumipat ng ibang bansa, pero posibleng nakakakaba rin ito. Mahirap ang kahit na anong bagong simula, lalo na kung wala ka pang kakilala. Pero huwag mag-aalala, sa mga tip na ito, tiyak na mabilis kang magkakaroon ng mga bagong kaibigan.
1. Hanapin ang iyong komunidad
Bago ka lumipat, gamitin ang internet at social media para maghanap ng mga expat group sa magiging bago mong lungsod. Sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa mga kababayan mo na napagdaanan na ang mga nararanasan mo, mas mapapadali para sa iyo na mag-settle in. Isa itong magandang unang paraan para makipagkaibigan at makakuha ng mga kapaki-pakinabang na tip.
2. Gawin ang mga hobby mo
Ano ang gusto mong gawin tuwing bakante ka? Ito man ay pagbibisikleta, photography, o hiking — may grupo para sa halos kahit na anong hobby. Sumali sa mga grupong ito sa social media at makilahok sa mga regular na meeting o aktibidad. Wala nang mas maganda pang paraan para makakilala ng mga bagong tao kundi sa pamamagitan ng mga bagay na ine-enjoy mo.
3. Matuto ng bagong bagay
Perpektong oportunidad ang isang bagong klase para magkaroon ng mga bagong kakilala. Masayang matuto ng bagong skill at makakilala ng mga taong kapareho mo ng interes. Gusto mo mang matuto ng bagong wika, crochet, o mag-aral ng photography, walang katapusan ang posibilidad. Nag-o-offer ang mga klase ng relaxed na atmosphere kung saan madali kang magkakaroon ng kausap.
4. Mag-volunteer
Humanap ng mga paraan para mag-volunteer sa bago mong lungsod. Sa pagvo-volunteer, hindi ka lang basta nagkakaroon ng mga bagong kakilala, nakakatulong ka rin sa bago mong environment. Kahit one-time commitment lang ‘yan, makakapagbigay ito ng mga exciting na pakikisalamuha at kasiyahan.
5. Ipagmalaki ang pet mo
Puwedeng maging epektibong icebreaker ang pet mo! Kung mayroon kang aso o pusa, siguradong may makikipagkuwentuhan agad sa iyo kapag naglalakad-lakad ka o kapag may mga inaasikaso ka. Marami sa atin, cute na cute talaga sa mga aso’t pusa. Nakakatulong din ang mga pet na maibsan mo ang pagiging homesick at maganda silang kasama habang ine-explore mo ang bago mong lugar.
6. Lumabas
Perpektong oportunidad ang mga festival sa lungsod para magkaroon ng mga bagong kakilala at ma-integrate ang iyong sarili sa bago mong kultura. Alamin ang mga paparating na parade, festival, o sports event, mag-sign up at sumali. Hindi ka lang basta makakakilala ng mga bagong tao, mag-e-enjoy ka rin nang sobra.
7. Pag-aralan ang wika
Ang pagkakaroon ng basic na kaalaman sa lokal na wika ay magbibigay sa iyo ng kumpyansa kapag nakikipag-usap sa mga lokal. Mahirap magkaroon ng bagong kakilala dahil sa language barrier, pero makakatulong kahit ang mga simpleng pangungusap na makapagsimula ng kuwentuhan. Palaging tandaan: Isang “hello” lang ang kailangan mo para may makilala kang mabuting tao.