Utakan ang extortion scam: Ang dapat nating malaman

Kaalaman tungkol sa panloloko By Western Union Fraud Prevention Team March 31, 2025

Parami na nang parami ang mga extortion scam, at patalino na rin sila nang patalino. Pero huwag mag-alala—puwede tayong maging #BeFraudSmart sa pamamagitan ng pag-alam kung paano isinasagawa ang mga scam na ito at paggawa ng mga simpleng hakbang para protektahan ang ating mga sarili. Sa guide na ito, idedetalye natin kung ano ang mga extortion scam, paano isinasagawa ang mga ito, at paano tayo mananatiling ligtas lahat.

Ano ba talaga ang extortion fraud?

Nangyayari ang mga extortion scam kapag pinipilit tayo ng isang tao na bigyan siya ng pera o mga bagay na may halaga sa pamamagitan ng pananakot o tangkang pamamahiya. Umaasa sila sa mga panloloko para pilitin tayo na bumigay, kadalasan sa pamamagitan ng paglalaro sa ating mga emosyon. Layunin nila na isipin natin na wala na tayong magagwa kundi sumunod. Bagama’t parang nakaka-intimidate ito, kung mas nauunawaan natin kung paano isinasagawa ang mga scam na ito, mas magkakaroon tayo ng kumpyansang protektahan ang mga sarili natin.

Paano ito isinasagawa?

Ganito kadalasang isinasagawa ang extortion:

  • Mga banta ng pananakit: Posible tayong pilitin ng mga scammer na magpadala ng pera o magbigay ng bagay na may halaga sa pamamagitan ng pagsasabing sasaktan nila tayo o ang mahal natin sa buhay.
  • Pagbubunyag ng mga sikreto: Puwede nilang sabihing mayroon silang pribado o nakakahiyang impormasyong handa nilang isiwalat kung hindi natin sila babayaran.
  • Pang-aabuso sa kapangyarihan: May ilang scammer na sinusubukang gamitin ang kanilang impluwensya para mag-demand ng pera o resources sa pamamagitan ng pamimilit sa atin na bumigay.

Bagama’t parang nakakatakot ang mga bantang ito, mahalagang alamin kung paano tutukoy ng scam at kung paano makakaiwas dito.

Nakaka-intimate man ang mga sitwasyong ito, knowledge is power. Kapag alam mo na kung paano tumukoy ng scam, kampante mong mapapanindigan ang iyong sarili at hindi ka maloloko.

Ano ang mga uri ng extortion fraud?

May iba’t ibang uri ng extortion fraud. Tingnan natin nang maigi ang ilan sa mga pinakakaraniwan:

  • Pisikal na extortion: Nangyayari ito kapag may nagsabi sa atin na sasaktan nila tayo o sisirain nila ang ating property kung hindi natin sila bibigyan ng pera o valuables.
  • Cyber extortion: Posibleng pasukin ng mga hacker ang mga online account natin, nakawin ang ating impormasyon, at mag-demand ng pera para maisauli ito o para hindi na sila magdulot pa ng dagdag na pinsala.
  • Pinansyal na extortion: Naka-focus ang mga scammer sa mga pinansya natin, nagbabanta sila na sisirain nila ang ating credit, magli-leak sila ng sensitibong impormasyon, o manghihimasok sila sa mga transaksyon sa negosyo kung hindi tayo magbabayad.

Anuman ang anyo, pare-pareho itong may pamimilit sa atin na magbigay ng isang bagay na may halaga sa takot na masaktan o mawalan.

Paano poprotektahan ang ating mga sarili mula sa extortion fraud?

Narito ang ilang madadaling paraan na puwede nating gawin lahat para mabawasan ang panganib natin at para maprotektahan ang ating sarili laban sa mga extortion scam:

  1. Manatiling alerto
    Kapag may kakaiba, magtiwala sa kutob mo. Kadalasan, nag-aapura ang mga scammer o nangangako sila ng mga bagay na masyadong maganda (o masyadong masama) para maging totoo. Kung hihinto tayo para mag-isip, malamang na matutukoy natin ang scam bago pa tayo mapahamak nito.
  2. Panatilihing secure ang iyong personal at pinansyal na impormasyon
    Ganito natin puwedeng mautakan ang mga cybercriminal:

    • Gumamit ng malalakas at natatanging password para sa lahat ng account, at i-on ang two-factor authentication (2FA) para sa dagdag na proteksyon.
    • Regular na i-check ang mga bank at credit card statement natin. Mag-set up ng mga alert para ma-notify tayo kung may anumang kakaibang aktibidad.
    • Maging maingat sa mga sine-share natin online. Iwasang mag-post ng mga sensitibong detalye gaya ng pinansyal na impormasyon o mga home address sa social media o mga hindi secured na website.
  3. Mag-report ng kahina-hinalang aktibidad:
    Kung pinagbabantaan o may hinala ka ng extortion, mahalagang kumilos agad. Kontakin ang mga lokal na awtoridad o ang cybercrime division ng bansa mo—may experience sila na gabayan tayo sa sitwasyon. Kung may kinalaman sa ating trabaho ang extortion, ipaalam ito sa employer natin para makatulong sila sa pagprotekta sa ating sarili at sa kumpanya.

Kung mas mabilis nating mare-report ang kahina-hinalang aktibidad, mas mapoprotektahan natin ang ating sarili. Sa pamamagitan ng pagkilos, hindi lang natin pinoprotektahan ang ating mga sarili, nakakatulong din tayo na maiwasang mapahamak ang iba. Kung gusto mong alamin pa ang tungkol sa kung paano poprotektahan ang iyong sarili laban sa panloloko, pumunta sa Western Union Fraud Resource Center.

Nakaka-intimidate man ang mga extortion scam, pero sa tamang kaalaman at mga pag-iingat, mapoprotektahan natin ang ating mga sarili. Manatili tayong alerto, magtiwala sa ating kutob, at kumilos kapag parang may mali. Kapag sama-sama, kaya nating maging ligtas lahat at maging #BeFraudSmart!