Pananatiling ligtas mula sa mga scam: Mga smart tip para sa matatanda.

Maging Global By Western Union May 28, 2025

Parami na nang parami ang mga scam, at ang pinakamagandang paraan para protektahan ang sarili mo ay sa pamamagitan ng pananatiling may-alam. Sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano ang dapat bantayan, makakatulong ito sa iyo na maiwasan ang mga karaniwang panloloko at magkaroon ng higit na kumpyansa kapag sumasagot ng mga tawag, email, o message.

Sa blog na ito, magshe-share kami ng mga simple at malinaw na tip para tulungan kang tumukoy at umiwas sa mga scam. Malalaman mo ang mga red flag na dapat bantayan at kung ano ang dapat gawin kung parang may mali. Mas madaling manatiling ligtas kung alam mo ang dapat asahan—at hindi ka nag-iisa!

 

Ano ang “Grandparent scam?”

Ang isang karaniwang scam na nagta-target ng matatanda ay tinatawag na “Grandparent Scam.” Ganito ito gumagana: may scammer na tatawag sa isang lolo o lola, kadalasan sa dis-oras ng gabi, at magpapanggap na apo. Puwede niyang sabihin na “May problema ako. Na-stuck ako sa ibang city, at kailangan ko ng pera agad!” Hihilingin ng scammer sa lolo o sa lola na huwag magsabi sa kahit na sino, kaya lalabas na para itong isang urgent na lihim. Sa kasamaang-palad, maraming lolo at lola ang nagpapadala ng pera sa scammer, at sa huli ay malalaman nila na wala naman talaga sa panganib ang kanilang apo.

Mahusay mang-uto ng mga tao ang mga scammer. Alam nila kung paano lalaruin ang mga emosyon. Halimbawa, puwede nilang sabihin na “Lo, ikaw ba ‘yan?” at pagkatapos ay magpapanggap ang scammer na apo mo. Gusto ng mga scammer na kumilos ka agad nang hindi nag-iisip, kaya palaging maging maingat.

Sa huli, scammer ang tatanggap ng pera, hindi ang apo.  Tingnan natin ang ilan sa mga pinakakaraniwang taktika at mga simpleng paraan para malusutan ang scam na ito.

Mga grandparent scam: Paano tutukoy ng isang pekeng family emergency call.

Kadalasan, ita-target ka ng mga scammer gamit ang mga urgent at kapani-paniwalang kuwentong idinisenyo para i-pressure kang magpadala agad ng pera. Pero sa tamang kaalaman at kahandaan, puwede mo silang utakan. Sundin ang mga tip sa ibaba para tumukoy ng mga scammer:

1. Magtanong ng mga tanong na tanging kapamilya lang ang makakasagot.

Magandang magkaroon ng listahan ng mga personal na tanong na mga kapamilya mo lang ang makakasagot. Ito ay ang mga tanong gaya ng “Sino ang paborito kong pet noong bata pa ako?” o “Ano ang middle name ng kapatid kong babae?” Makakatulong ang mga tanong na ito na matiyak na kapamilya talaga ang caller at hindi isang scammer.

2. Palaging mag-double check bago magpadala ng pera.

Kung makakatanggap ka ng ganitong tawag, huwag magpadala ng pera agad. Isulat ang phone number at maglaan ng panahon para tawagan o i-text ang apo mo sa karaniwan niyang number para matiyak na okay lang siya. Puwede ka ring magtanong sa iba pang kapamilya para kumpirmahin ang sitwasyon.

3. Maglaan ng panahon sa pag-iisip nang mabuti.

Sinusubukan ng mga scammer na pakilusin ka agad sa pamamagitan ng pagdudulot ng panic sa iyo, sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay gaya ng “Kailangan ko na talaga ang pera!” o “Huwag kang magsabi kahit kanino!” Pero huminto ka muna bago kumilos, huminga nang malalim, manatiling kalmado, at pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay. Huwag magmadali sa pagdedesisyon.

4. Manatiling alerto kapag nagpapadala ng pera.

Ang Western Union ay isang mapagkakatiwalaang paraan para magpadala ng pera sa mga kaibigan at kapamilya. Pero madalas nag-aapura ang mga scammer para pilitin ang mga tao na makapagsagawa ng mga mabilisan at palihim na transaksyon. Puwede ka nilang piliting kumilos agad at huwag magsabi sa kahit na sino, sa pag-asang mauuto ka nila. Palaging maglaan ng oras, magtanong, at mag-verify bago magpadala ng pera. Kaya napakahalaga na mag-double check ng anumang emergency bago magpadala ng pera para matiyak na totoo ito.

Sa tamang impormasyon at kaunting paghahanda, mapoprotektahan mo ang sarili mo na mabiktima ng mga scam.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga tip na ito, mararamdaman mo na mas ligtas at mas kumpyansa ka na protektahan ang iyong sarili laban sa panloloko. Manatiling nakakaalam, at sa pagtutulungan, kaya nating pigilan ang mga scam!

Kung nakatanggap ka o kung may kakilala ka na nakatanggap ng mga ganitong tawag, at nakapagpadala sila ng pera gamit ang Western Union, i-report ito agad. Puwede mong tawagan ang lokal mong Western Union Fraud Hotline. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa aming website.