Pagprotekta sa ating mga bayani: Paano tutukoy at makakaiwas sa mga military scam

Maging Global By Aparna Iyer June 3, 2025

Malala at laganap na problema ang mga military scam. Kadalasan, nagpapanggp ang mga scammer bilang mga sundalo para makapanloko ng mga tao. Tina-target nila ang mga taong talagang nagmamalasakit, nagtitiwala, at gumagalang sa military. Kasama rito ang mga taong naghahanap ng pag-ibig online, mga taong gustong mag-donate sa mga military charity, at kahit mga beteranong naghahanap ng trabaho o pinansyal na tulong. Sa mga scam na ito, masasaktan ang iyong damdamin, mananakawan ka ng pera, at sisirain ang tiwala mo sa mga totoong sundalo.

Buti na lang, kaya mong protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pag-alam sa mga babalang senyales at paggawa ng mga hakbang para maging #BeFraudSmart.

Mga karaniwang uri ng mga military scam at tip para tukuyin ang mga ito.

Gumagamit ang mga manloloko ng iba’t ibang paraan para mang-scam ng mga tao. Karamihan sa mga scam na ito ay idinisenyo para magmukhang totoo at pukawin ang kabaitan mo. Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang military scam na dapat bantayan:

  • Mga romance scam

Kadalasan, gumagamit ang mga scammer ng social media at mga dating website o app. Puwede nilang sabihin na nakatira sila sa ibang bansa. Kapag nakuha na nila ang tiwala mo, puwede silang manghingi ng pera. Ang mga kadalasan nilang dahilan ay

  • Pag-uwi para bisitahin ka o ang kanilang pamilya.
  • Pagbabayad ng mga medical bill.
  • Pagpapadala ng package.
  • Pag-aayos ng problema sa kanilang bank account.

Tip: Hindi nangangailangan ang mga totong sundalo ng tulong sa pagbabayad ng leave, medikal na gastos, o biyahe.

  • Mga pekeng military charity

Gustong mag-imbento ng mga scammer ng mga pekeng charity at puwede ka nilang kontakin para mangalap ng pera para tulungan ang mga sugatang sundalo, beterano, o pamilya ng military. Mas talamak ang mga scam na ito pagkatapos ng digmaan, sakuna, o tuwing holidays kapag mas mataas ang tsansa ng mga tao na mag-donate. Para malaman kung isa itong scam, hanapin ang mga senyales na ito:

  • Posibleng parang totoo ang pangalan ng charity, pero hindi mo ito mahanap sa anumang opisyal na charity website.
  • Humihingi sila ng mga donasyon sa cash, mga gift card, o mga money transfer.
  • Nag-aapura sila at minamadali ka nilang kumilos at magpadala ng pera bago ka pa makapag-isip.

Tip: Tingnan muna palagi kung totoo ang isang charity bago mag-donate. Puwede kang humanap ng mga charity sa mga website gaya ng Charity Navigator, Charity Register, o sa mga opisyal na charity sa bansa mo. .

  • Mga impersonation scam

Nagnanakaw ang mga scammer ng mga larawan at personal na impormasyon mula sa mga totoong miyembro ng military at ginagamit nila ang mga ito para gumawa ng mga pekeng social media profile at email account. Puwede ka nilang kontakin gamit ang mga pekeng profile at account na ito at puwede silang magsalaysay ng mga nakakalungkot na kuwento para nakawin ang pinaghirapan mong pera o ang personal mong impormasyon. Narito ang ilang senyales para tumukoy ng scam:

  • Ayaw makipagkita ng tao nang personal o sa video chat.
  • Hinihiling niya sa iyo na panatilihing lihim ang ugnayan ninyo.
  • May kakaiba siyang kuwento tungkol sa kung bakit niya kailangan ang pera.

Tip: Puwede mong tingnan kung kailan ginawa ang profile, kung bago lang ito, pinakamaganda kung iiwasan mong makipag-usap sa kanya.

  • Mga job offer scam para sa mga beterano

Puwede kang alukin ng isang scammer ng mga pekeng trabaho na mukhang maganda pero may twist, dahil hihilingin niya sa iyo na magbayad in advance. Puwede niyang sabihin na para iyon sa training, mga uniporme, o mga background check. Pero, kapag naipadala mo na ang pera, bigla na lang siyang mawawala.

Tip: Hindi ka sisingilin ng isang tunay na employer para magkatrabaho.

  • Mga military loan at pension scam

Nakikipag-ugnayan ang isang scammer sa mga beterano at mag-o-offer siya ng mga mabilisang loan na may matataas na interest rate, o mag-o-offer siya na bibilhin niya ang kanilang mga pensyon kapalit ng isang bagsakang bayad sa cash. Kadalasan, hindi patas ang mga deal na ito at mababawasan nang husto o ganap na mawawala ang kita sa hinaharap ng mga beterano.

  • Huwag kailanman papayag na ibenta ang iyong pensyon.
  • Mag-ingat sa mga loan na may matataas na interest rate o bayarin.

Tip: Makipag-usap sa isang mapagkakatiwalaang financial advisor bago magsagawa ng anumang malalaking desisyong may kinalaman sa pera.

  • Mga phishing scam

Nagpapadala ng mga pekeng email o message ang mga scammer o tumatawag sila para magpanggap na mula sila sa military o sa pamahalaan. Puwede nilang sabihin na may problema sa mga benepisyo mo sa military, o puwede nilang hilingin sa iyo na kumpirmahin ang personal mong impormasyon gaya ng iyong ID o mga detalye ng bank account. Narito kung paano tutukoy ng military phishing scam:

  • May mga mali sa spelling o mukhang kakaiba ang message.
  • Hihilingin sa iyo na magbukas ng link o attachment.
  • Hihingi sila ng personal na impormasyong hawak na ng mga opisyal na ahensya.

Tip: Basahing mabuti ang message, i-check ang email ID o ang number bago sumagot.

Paano poprotektahan ang iyong sarili laban sa mga military scam?

Nakakaengganyo minsan ang mga scammer, pero may mga paraan para protektahan ang iyong sarili. Narito ang mga simpleng hakbang para manatiling ligtas at maging #BeFraudSmart:

  • Huwag magpadala ng pera sa taong hindi mo pa nakikita nang personal.
  • Take your time, huwag magmadali sa pagdedesisyon.
  • Maging maingat sa personal mong impormasyon online.
  • Tingnan muna kung totoo ang isang charity bago ka mag-donate.
  • Maging mapagbantay sa mga agarang request o malungkot na kuwento na parang peke.
  • Huwag kailanman magbayad gamit ang mga gift card o crypto currency.

Ano ang dapat gawin kung tina-target o na-scam ka?

Kung sa tingin mo ay kinokontak ka ng scammer o kung nakapagpadala ka na ng pera, kumilos agad sa pamamagitan ng pagre-report nito. . Bihasa ang mga scammer sa pagkuha ng tiwala at kaya nilang lokohin ang sinuman. Tandaan, hindi mo ito kasalanan. May mga hakbang kang puwedeng gawin ngayon para protektahan ang iyong sarili at makatulong sa pag-iwas sa mga scammer na makapanakit ng iba.

  • I-report ang mga scam sa mga lokal mong awtoridad.
  • Mag-file ng report sa cybercrime website ng bansa mo.
  • Kontakin agad ang iyong bank o credit card company para ihinto ang transaksyon.
  • Ipaalam ito sa iba, makakatulong ang kuwento mo na manatiling fraud-smart ang iba.

Magtiwala sa kutob mo! Kung parang may mali, malamang na may mali. Huwag magmadali, magtanong, at i-verify muna ang lahat bago magpadala ng pera o mag-share ng personal na impormasyon. Umaasa ang mga scammer sa takot at emosyon, pero puwede mo silang utakan sa pamamagitan ng pananatiling may alam.

Para sa higit pang tip sa pagprotekta ng iyong sarili o para mag-report ng scam, bisitahin ang aming page ng kaalaman tungkol sa pandaraya at manatiling mas may alam kaysa sa mga scammer. #BeFraudSmart