Mga telemarketing scam: Mas matalino at mas ligtas kung sama-sama

Global na Mamamayan By Western Union May 28, 2025

Ang telemarketing ay isang karaniwang paraan ng pag-promote ng mga kumpanya ng kanilang mga produkto at serbisyo. Habang lehitimo naman ang ilang tawag, mahalagang malaman na ginagamit din ng mga scammer ang telemarketing bilang paraan para manloko ng mga tao. Narito ang kailangan mong malaman para manatiling ligtas at mautakan ang mga scam na ito.

Ano ang mga telemarketing scam?

Ang telemarketing ay ang pagtawag sa mga tao para mag-promote o magbenta ng mga produkto at serbisyo. Posibleng bahagi ito ng plan, program, o campaign na idinisenyo para kumonekta sa iyo. Regulated ang ilan sa mga tawag na ito para sa proteksyon mo. Sa pamamagitan ng pag-alam sa iyong mga karapatan at sa mga dapat bantayan, makakatulong ito sa iyo na makaiwas sa mga hindi nararapat o hindi totoong telemarketing offer.

Kadalasan, nagsisinungaling ang mga scammer sa pamamagitan ng paggamit ng mga promotion na parang totoo. Puwedeng sabihin ng mga scammer na ito na nanalo ka ng premyo, kuwalipikado ka para sa isang special offer, o kuwalipikado ka sa isang reward para lokohin ka. Kadalasan, nagtutunog-official sila at naglalagay sila ng mga logo ng kumpanya para magmukhang kapani-paniwala. Kapag kumpyansa na sila, puwede silang humingi ng “handling fee” o mga personal na detalye gaya ng impormasyon sa pagbabayad. Sa pagbabahagi ng mga naturang detalye, puwede itong mauwi sa identity theft at pinansyal na pagkalugi.

Paano tutukuyin at iiwasan ang mga telemarketing scam

Sa kasamaang-palad, karaniwan ang mga telemarketing scam, pero may mga hakbang na puwede mong gawin para manatiling ligtas:

  • #BeFraudSmart: Bantayan ang mga senyales na posibleng scam ang isang tawag, gaya ng mali-maling grammar, mga hindi makatotohanang offer, o mga caller na namimilit sa iyo na magdesisyon agad. Palaging iwasan ang pagbibigay ng iyong personal na impormasyon o mga detalye sa pagbabayad sa telepono, lalo na kung hindi ikaw ang tumawag. Hindi hihingiin ng mga lehitimong kumpanya ang mga ganitong klase ng impormasyon maliban kung ikaw ang unang tumawag sa kanila.
  • Huwag magpa-pressure: Puwedeng subukan ng mga scammer na madaliin ka, o puwede nilang sabihin na nanalo ka sa isang contest na hindi mo naman sinalihan. Sa mga lehitimong offer, binibigyan ka nila ng panahon para makapag-isip nang mabuti bago magpasya.
  • Alamin ang mga batas: Ilegal para sa sinumang seller o telemarketer na tumanggap ng mga bayad mula sa mga US consumer gamit ang mga money transfer para sa mga produkto o serbisyong ibinebenta sa pamamagitan ng telemarketing. Ang mga seller na naniningil sa pamamagitan ng mga money transfer ay lumalabag sa batas. Hindi ka sisingilin ng mga tunay na kumpanya para sa mga buwis o bayarin in advance para makapag-claim ng premyo.
  • Iwasan ang mga mapanlokong transfer: Matindi ang focus ng Federal Trade Commission (FTC) sa pagtukoy, pag-iwas, at pagpigil sa mga cash-to-cash na money transfer at mga cash reload money transfer na isinagawa o tinanggap sa US para magamit bilang anyo ng pagbabayad ng mga seller o telemarketer. Palaging maging maingat at itanong ang tungkol sa mga paraan ng pagbabayad na nire-request ng mga telemarketer. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa website ng FTC.

Magkaroon ng Kontrol: Paano gagawa ng action plan para sa pagharap sa isang posibleng scam?

Kung sa tingin mo ay tina-target ka ng isang telemarketing scam, kumilos agad. I-report ito sa lokal mong tagapagpatupad ng batas, sa Internet Crime Complaint Center ng FBI, o sa Federal Trade Commission (FTC). Pinoprotektahan ng FTC ang mga consumer sa pamamagitan ng pagpigil sa mga manloloko na gumagamit ng mga cash-to-cash na money transfer sa maling paraan.

Kung nakapagpadala ka ng pera sa pamamagitan ng Western Union at naghihinala ka na isa itong scam, tawagan ang aming fraud hotline sa 1-800-448-1492 para sa agarang suporta.

Sa pamamagitan ng mabilisang pagkilos, makakatulong ito na maprotektahan ka at ang iba laban sa mga scam sa hinaharap.

Manatiling alerto, magtiwala sa kutob mo, at i-report ang anumang kahina-hinala para maiwasan at makilala ang mga telemarketing scam na ito. Tandaan, ilegal para sa mga telemarketer na tumanggap ng mga money transfer bilang bayad sa mga produkto o serbisyo. Maging matalino sa pamamagitan ng pananatiling nakakaalam. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano magiging #BeFraudSmart, alamin ang higit pa sa aming website.