Mga puppy scam. Utakan ang mga manloloko bago sila makaisa.

Kaalaman tungkol sa panloloko By Western Union Fraud Prevention Team November 6, 2025

Plano mo bang mag-ampon ng cute na pet? Exciting ’yan! Tumitingin ka man ng mga online ad, shelter, o breeder, isa sa mga pinaka-exciting na moment para sa isang pamilya ang pagkakaroon ng puppy.

Bagama’t positibo ang karamihan sa mga experience, magandang alamin kung paano tutukoy ng mga potensyal na spam. Narito kami para tulungan kang tukuyin ang mga senyales para makapag-uwi ka ng tuta sa paraang ligtas at may kumpyansa.

Paano gumagana ang mga puppy scam

Patalino na nang patalino ang mga scammer. Hindi na lang personal ang pagpapakita nila; gumagamit na rin sila ng mga website, phone call, at kahit social media. Ang layunin nila? Kunin ang pera mo sa pamamagitan ng pagpapanggap na bebentahan ka ng tuta na wala naman talaga.

Posibleng magpanggap silang breeder, shelter, o isang taong kailangang ipaampon ang kanyang pet. Magnanakaw pa sila ng mga cute na puppy photo at magsusulat ng mga nakaka-touch na kuwento para makuha ang tiwala mo.

Narito ang ilang trick na madalas nilang ginagamit:

  • Mga ad na masyadong maganda para maging totoo: Nangangako sila ng rare o “perfect” na mga tuta sa sobrang murang halaga.
  • Apurahang pagbabayad: Sisingilin ka nila agad sa pamamagitan ng wire transfer, gift card, o money app.
  • Mga pekeng website o listing: Gumagamit ang mga scammer ng mga makatotohanang website para lokohin kang magbahagi ng mga detalye o magbayad nang extra.
  • Mga pananakot: Sasabihan ka nila na may ibang kukuha ng tuta kapag hindi ka kikilos agad.
  • Masyadong maraming tanong bago mo makita ang pet: Sisikapin talaga ng mga scammer na alamin ang mga personal mong detalye, kaya maging mapagbantay kapag namimilit sila.

Kung minamadali ka o kung masyado itong maganda para maging totoo, maghinay-hinay. Hindi ka ipe-pressure ng mga tunay na breeder at shelter o hindi ka agad nila sisingilin nang hindi ka binibigyan ng oras para i-check ang mga bagay-bagay.

Mga smart tip para protektahan ang sarili mo

Mamadaliin ka ng mga scammer. Ano ang pinakamagandang paraan para utakan sila? Huwag magmadali at sundin ang mga simpleng hakbang na ito:

  • Iwasan ang mga cash at wire transfer: Gumagamit ang mga tunay na seller ng mga ligtas at traceable na paraan para tumanggap ng bayad.
  • Gawin ang homework mo: Humanap ng mga review, makipag-video call, at mag-request ng mga bagong photo ng tuta.
  • Tingnan kung may mga kakaibang singil: Hindi naniningil ang karamihan sa mga shelter para lang bumisita o mag-apply.
  • I-save ang lahat: Itabi ang mga message, photo, at resibo kung sakaling may kailangan kang i-report.
  • Alamin ang tunay na presyo: Tingnan kung magkano ang karaniwang presyo ng tuta. Kung sobrang mura nito, red flag ’yan.
  • Protektahan ang impormasyon mo: I-share lang ang mga personal mong detalye sa mga mapagkakatiwalaan at verified na grupo. Itanong kung bakit nila ito kailangan!

Mas Matalino at Mas Ligtas kung Sama-sama

Mamadaliin ka ng mga scammer na kumilos nang hindi muna chine-check ang mga detalye, kaya maging mas matalino: huwag magmadali, magtanong, at umalis kung iba ang kutob mo. Deserve mo ang malusog at masiglang puppy at narito kami para tulungan ka.

Tandaan: hindi ka nag-iisa. Napakaraming mabubuting tao at mapagkakatiwalaang lugar na gusto kang tulungang mahanap ang tamang pet para sa pamilya mo.

#BeFraudSmart at hanapin na ang bago mong best friend nang may kumpyansa.