Love naman nating lahat ang social media, ’di ba? Dito tayo kumokonekta sa ating mga kaibigan, nakaka-discover ng mga bagong ideya, at nagshe-share ng mga photo ng cute na aso. Pero kahit napakaganda ng social media, may isa itong downside: mga scammer. Naglipana sila, sinusubukang manloko ng mga tao para ibigay ang kanilang pera, personal na impormasyon, o maging access sa kanilang mga account.
Bakit kailangan mong manatiling matalino sa social media
Ayon sa Statista, 78 porsyento ng lahat ng American ay may social media account, at palaki ito nang palaki. Napakaraming tao niyan at habang lumalawak ang social media, dumarami rin ang mga scam. Pero ito ang good news: sa pamamagitan lang ng ilang smart na habit at kaunting kaalaman, maiiwasan mong ma-scam at patuloy kang makakapag-enjoy online. Alamin natin kung paano tayo magiging mas matalino at mas ligtas nang sama-sama.
Bantayan ang mga red flag
Ang unang hakbang para manatiling ligtas? Pagtukoy sa scam bago ka pa nito maunahan. Narito ang ilang bagay na dapat bantayan:
- Mga offer na masyadong maganda para maging totoo
May nakita ka na bang post na nangangako sa iyo ng libreng pera, brand-new na iPhone, o dream job mo? Kung masyado itong maganda para maging totoo, malamang na hindi ito totoo. Gusto ng mga scammer ang mga kaakit-akit na offer na ito dahil nakukuha nila ang tiwala ng mga tao bago sila manghingi ng personal na impormasyon o pera. - Namimilit na kumilos agad
Kadalasan, susubukan kang madaliin ng mga scammer. Puwede nilang sabihing “Kilos na, kung hindi ay mala-lock ang account mo!” o “Nanalo ka, pero kailangan mong makapag-claim sa loob ng 5 minuto!” Huwag magpabiktima. Gusto ka nilang kumilos nang hindi nag-iisip. - Mga kahina-hinalang link
Maging sobrang maingat kapag nagbubukas ng mga link, lalo na kung mula ito sa hindi mo kakilala. Magpapadala ang mga scammer ng mga pekeng link para lokohin ka at makapagbigay ng iyong impormasyon o makapag-download ng mga mapanganib na bagay. - Mga kakaibang friend request o message
Kung may hindi ka kakilala na biglang gustong makipagkaibigan sa iyo at nagsimulang makipagkuwentuhan tungkol sa pera o humingi ng personal na impormasyon, malaking red flag ’yan. Gusto ng mga scammer na gumawa ng mga pekeng profile para makuha ang tiwala ng mga tao. - Mga pekeng account
Minsan, nagpapanggap ang mga scammer na kakilala mo. Puwede nilang sabihin na kaibigan o kapamilya mo sila, o puwede pa nga nilang sabihin na celebrity sila, at pagkatapos ay hihingi sila ng pera o magshe-share ng “business opportunity.” Kung parang may mali, i-double check ang tao sa ibang paraan bago kumilos.
Mga karaniwang uri ng mga social media scam
Ngayong alam mo na ang mga babalang senyales, pag-usapan naman natin ang ilan sa mga pinakakaraniwang scam na makikita mo sa social media:
Mga phishing scam
Magpapanggap ang mga scammer bilang isang taong mapagkakatiwalaan mo (gaya ng “Facebook Support”) at hihilingin nila sa iyo na magbukas ng link para “i-verify” ang account mo. Huwag magpabudol! Palaging i-check kung sino ang nagpapadala ng message at huwag kailanman ilagay ang password mo sa isang kahina-hinalang site.
Mga giveaway at lottery scam
“Congrats, nanalo ka ng iPhone!” Kung may matatanggap kang ganitong message, malamang na scam ’yan. Gusto ka nilang magbigay ng personal na impormasyon o magbayad ng maliit na halaga para mag-claim ng premyong wala naman talaga.
Mga investment at cryptocurrency scam
Nangangako ang mga scammer ng malalaking pera mula sa “mga special investment” o “mga cryptocurrency opportunity.” Hihingian ka nila ng pera para mas malaki ang kitain mo, pero kapag ginawa mo ito, wala ka nang maririnig mula sa kanila.
Mga romance scam
Tuso ang mga ganitong scam. May isang tao na gagawa ng pekeng emosyonal na koneksyon sa iyo online at pagkatapos ay manghihingi siya ng pera dahil may problema siya. Kung hinihingian ka ng pera ng isang taong hindi mo pa kailanman nakita, maging sobrang maingat.
Mga pekeng shopping at marketplace scam
May nakita ka na bang website na nagbebenta ng mga mamahaling item sa sobrang murang halaga? Gumagawa ang mga scammer ng mga pekeng shop para kunin ang pera mo, at hindi mo kailanman makukuha ang produkto. Palaging mag-check ng mga review, i-verify ang seller, at gumamit ng mga ligtas na paraan ng pagbabayad.
Mga job scam
Kadalasan, scam ang mga job offer na mahirap paniwalaan (gaya ng malaking kita kapalit ng kaunting trabaho). Puwede ka nilang hingian ng bayad o personal na impormasyon. Hindi hihingi ng pera in advance ang mga lehitimong job offer.
Paano poprotektahan ang sarili mula sa mga social media scam
Ngayong alam mo na ang mga scam na ito, pag-usapan natin kung paano mo papanatilihing ligtas ang iyong sarili:
Mag-isip bago ka mag-click
Huwag kailanman magbukas ng mga link mula sa mga hindi mo kakilala. Kahit mukhang galing ito sa isang kaibigan, maglaan ng panahon para mag-verify. Kaya ng mga scammer na mang-hack at magpadala ng mga pekeng message.
Mag-double check bago ka magbahagi ng impormasyon
Hindi manghihingi ng sensitibong impormasyon sa social media ang mga totoong kumpanya. Kung hindi ka sigurado, direktang makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang opisyal na website o phone number.
Gumamit ng two-factor authentication (2FA)
Nagdaragdag ang two-factor authentication ng ekstrang layer ng proteksyon sa mga account mo. Kahit may makakuha ng password mo, hindi sila makakapasok nang wala ang pangalawang step.
I-verify ang mga account at website
Kung may nagsasabi na isa siyang kumpanya o public figure, tingnan kung mayroon siyang asul na checkmark (ang verified badge). Tiyakin din na nasa opisyal kang website bago maglagay ng anumang impormasyon.
Higpitan ang mga setting ng privacy mo
Baguhin ang mga setting ng privacy mo para panatilihing ligtas ang iyong impormasyon. Limitahan kung sino ang makakakita sa mga post mo at tandaan na minsan, kinakalap ng mga scammer ang mga detalye mula sa mga pampublikong profile para magmukhang totoo ang kanilang mga scam.
I-report at i-block ang mga kahina-hinalang account
Kung may makita kang kahina-hinala, i-report ito! Sa karamihan ng mga social media platform, puwede kang mag-block ng mga scammer at mag-report ng mga pekeng account. Puwede ka ring mag-report ng mga scam sa mga lugar gaya ng FBI Internet Crime Complaint Center, Federal Trade Commission, Interpol, Scamwatch, at marami pang iba.
Ano ang dapat gawin kung may pinaghihinalaan kang scam
Kung sa tingin mo ay may na-encounter kang scam, narito ang dapat gawin:
- Palitan agad ang mga password mo.
- I-enable ang two-factor authentication (kung hindi mo pa ito nagagawa).
- I-report ang scam sa social media platform at sa anumang nauugnay na awtoridad (gaya ng bangko mo o mga cybersecurity agency).
- I-monitor ang mga account mo para sa kahit na anong kakaiba.
- Sabihan ang iba tungkol sa scam. Kung nangyari ito sa iyo, puwede rin itong mangyari sa iba.
Naglipana ang mga scammer, pero nasa iyo ang mga tool para manatiling ligtas. Ang susi ay ang pagtitiwala sa kutob mo. Kung hindi maganda ang kutob mo, malamang na tama ka. Maglaan ng panahon para mag-isip bago kumilos, at tandaan: ikaw ang may kontrol!
Kaya mo ’yan! Kung nakapagpadala ka ng pera sa pamamagitan namin at sa tingin mo ay bahagi ito ng isang scam, basahin ang aming page ng Kaalaman tungkol sa Pandaraya at tawagan ang helpline number na available sa bansa mo. Manatiling ligtas, manatiling smart!
#BeFraudSmart at i-enjoy ang social side ng buhay!