Mag-ingat sa mga scam na ito – Huwag magpaloko sa mga pekeng emergency!

Maging Global By Western Union May 13, 2025

Kumusta! Alam nating lahat kung gaano nakakatakot at stressful kapag may biglaang pangyayari, lalo na kung may tumatawag sa iyo tungkol dito. Gustong samantalahin ng mga scammer ang ganyang instinct sa pagtulong, at gagawin nila ang lahat para mauto ka na magbigay ng pera.

Narito ang ilang karaniwang emergency scam na dapat bantayan:

1. Immigration scam

Pasikot-sikot ang buong proseso ng visa o citizenship, at alam ng mga scammer ’yan. Tatawag sila at magpapanggap bilang mga immigration official, at sasabihin nila na may isyu sa papeles mo. Pagbabantaan ka nila na ipapa-deport ka maliban kung magpapadala ka agad ng pera.

Tandaan, ang mga tunay na immigration service ay hindi kailanman tatawag at hihingi ng mga personal na detalye sa pamamagitan ng telepono. Kung may hihingi sa iyo ng pera at magbabanta, ibaba ang telepono! Kung sakaling makatanggap ka ng ganitong tawag, tingnan ang opisyal na website para sa mga immigration service para kumpirmahin ang mga susunod na hakbang. Para alamin pa ang tungkol sa ganitong uri ng scam, basahin ang aming blog tungkol sa immigration fraud.

2. Business email compromise (BEC) scam

Tuso ang isang ’to! Nagpapanggap ang mga scammer na katrabaho mo, gaya ng isang boss o kasamahan, at hihilingin niya sa iyo na mag-wire ng pera para sa isang “gastos sa business.” Puwedeng magtunog legit talaga sila, pero panloloko lang ang lahat.

Kung biglaang may manghihingi sa iyo ng pera mula sa trabaho, mag-double check sa taong iyon o sa ibang tao sa opisina bago gumawa ng kahit na ano. Umaasa ang mga scammer sa mabilisan mong pagkilos nang hindi nag-iisip, kaya magdahan-dahan at tiyaking totoo ito.

3. Tax scam

Nakaka-stress ang tax season, at alam ito ng mga scammer. Tatawag sila at magpapanggap na mula sila sa pamahalaan, at sasabihin nilang may kailangan kang bayaran at magbabanta sila na aarestuhin ka kung hindi ka magbabayad ngayon. Puwede pa nga silang humiling ng money transfer!

Ito ang totoo: sa halos lahat ng pagkakataon, hindi kailanman tumatawag ang mga ahensya ng pamahalaan tungkol sa mga buwis mo. Nagpapadala sila ng mga opisyal na liham sa mail, hindi mga text, email, o tawag. Kung may namimilit ng agarang pagbabayad, scam ’yan. Palaging mag-double check bago magsagawa ng anumang pagbabayad.

4. Grandparent scam

Tina-target ng scam na ito ang mga mas nakatatanda, lalo na ang mga lolo at lola. Magpapanggap ang scammer bilang problemadong miyembro ng pamilya at sasabihin niya na kailangan niya ng pera agad-agad para sa piyansa o mga medikal na bayarin.

Pero wala talagang emergency! Ligtas naman ang tunay na apo. Gusto lang ng pera ng scammer. Kung sakaling makatanggap ka ng ganitong tawag, huwag mag-panic. Isulat ang number, pero huwag kumilos agad. Kontakin ang mahal mo sa buhay o ang iba pang miyembro ng pamilya para tiyaking ayos lang ang lahat. Para alamin pa ang tungkol sa ganitong uri ng scam, basahin ang aming blog tungkol sa immigration fraud.

Ano ang dapat gawin kung makakatanggap ng scam na tawag:

  • Huwag kumilos agad. Huminga nang malalim at pag-isipan itong mabuti.
  • Isulat ang number, pero huwag magpadala ng pera hangga’t hindi mo nave-verify na totoo ito.
  • Kontakin ang tao na sinasabi ng scammer na siya, o ang iba pang miyembro ng pamilya para i-check kung totoo nga ito.
  • Kung kahina-hinala ang tawag, kahina-hinala talaga ito. Magtiwala sa sarili!

Kung na-scam ka o kung may kilala kang na-scam na nagpadala ng pera sa pamamagitan ng Western Union, sandali lang! I-report ito agad sa pamamagitan ng pagtawag sa Western Union Fraud Hotline sa 1-800-448-1492. Palaging mas maganda kung ire-report mo ito para maiwasang mabiktima ang iba.

#BeFraudSmart: Ang kaalaman ay kapangyarihan! Kaya mo ’yan. Para sa higit pang tip at impormasyon kung paano pananatilihing ligtas ang iyong sarili mula sa mga immigration scam, tingnan ang aming website.