Page Logo Page Logo
  1. Home
  2. Uncategorized @tl
  3. Ang Ultimate na Stress-Free na Mga Travel Trend Para sa 2018
girl meditating beside water
Emily Larson 2018-2-5

Ang Ultimate na Stress-Free na Mga Travel Trend Para sa 2018

Kahit kakasimula pa lang ng taon, hindi masamang i-recharge ang ating mga sarili - o kaya ay magsimulang pangarapin ang susunod nating bakasyon.

Ayon sa Global Wellness Institute, noong 2015, kumita nang $3.7 trilyon ang industriya ng wellness, $563 bilyon doon ay mula lang sa wellness tourism. At bagama't may ilang sinulit ang kanilang mga business trip noong nakaraang taon, nakikita namin ngayong taon na uunahin ng mga traveler ang wellness sa kanilang mga itinerary.

Kaya naman, mag-impake na at maghanda para mag-unwind. Narito ang mga nangunguna naming opsyon para sa isang stress-free na travel ngayong 2018. 

  1. Mga Silent Retreat

meditating in forest

Noong 2017, sumikat ang mga digital detox trip, ngunit ngayong 2018, hindi na lang ito basta tungkol sa pagsa-shut off, tungkol na rin ito sa pagsa-shut up. Sa isang lipunang nakasanayan na ang ingay, may mga hotel at spa na nag-aalok ng kapayapaan at katahimikan. Isipin mo ang mga meditative na paglalakad sa gubat, mga tahimik na dinner, at iba pa.

Ang Gusto Namin: Pumunta sa Mazunte beach sa Mexico para sa silent meditation sa Hridaya Meditation Retreat. Sa sobrang busy mo sa pag-aaral kung paano magre-relax sa pamamagitan ng paghinga, malilimutan mong makipagkwentuhan.

  1. Mga Sugar-Free na Detox Trip

girl getting facial

Ayon sa American Heart Association, asukal ang maaaring isa sa mga nangungunang dahilan ng sakit sa puso. Ano ang pinakamagandang paraan para umiwas sa asukal? Mag-book sa mga spa at wellness resort na nag-aalok ng mga sugar-free na detox diet. Sa wellness trip na ito, magkakaroon ka ng mas magandang balat, mas malusog na digestive system, at mas mataas na enerhiya.

Ang Gusto Namin: Bagama't sa Morocco makikita ang orihinal na jelly-filled na donut, hindi mo gugustuhing kumain ng matamis habang nakikita mo ang kamangha-manghang view ng Atlas Mountains at habang natututo ka mula sa mga nutritionist at chef sa Le Palais Paysan.

  1. Masasayang Retreat

meditation on beach

Ayon sa mga pag-aaral, kailangan mong gumawa at magkaroon ng masasayang karanasan para maging masaya. Kaya hindi nakakapagtakang trending ngayon ang mga laughter yoga at beach circuit training retreat…dahil pino-promote nito ang production ng serotonin, ang happy hormone.

Ang Gusto Namin: Pumunta sa Bali para matuto mula sa mga master ng ispiritwalidad at pagpapasalamat. Sa Path to Happiness Retreat, mag-a-unwind ka sa tulong ng isang Balinese na healer at makakapag-surf ka sa ilan sa pinakamagagandang alon sa mundo.

  1. Mga Break Mula sa Break-Up

girl meditating alone in grass

Kahit na puno pa ng proposal ang iyong social media noong nakaraang holiday, kasingdalas lang nito ang mga paghihiwalay pagkatapos ng mga holiday. Nakakatulong ang mga break-up retreat para makapag-adjust ka at makapagsimulang muli. Sa mga trip na ito, nagkakaroon ng mapagkalingang environment ang mga kakahiwalay pa lang para makapag-recharge emotionally sa pamamagitan ng mga stress management service at life coach. May yoga at meditation din sila para sa dagdag na TLC.

Ang Gusto Namin: Subukan ang Kamalaya "Embracing Change" program para sa mga mentoring session para tulungan kang makapaglabas ng sama ng loob, gumaling, at mabuong muli.

Mahalaga ang pagbibigay-priyoridad sa wellness, pero hindi palaging mura ang mga stress-free na bakasyon. Kung nagtitipid ka pero gusto mo ng break, subukan ang isa sa mga wellness retreat na ito at i-recharge ang iyong sarili nang hindi binubutas ang iyong bulsa.

Isinulat ang Artikulong ito ni

Emily Larson Spirited marketing and communications manager with almost a decade of experience in finance, retail, and non-profit. Passionate about design, creativity, and above all... adventure.

Higit pang kwentong kagaya nito: