Pinapatindi ng mga scammer ang panloloko sa tawag sa pamamagitan ng pagpapanggap na mula sila sa malalaking kumpanya at pagsasabing may problema sa computer mo. Ang layunin nila? Lokohin kang magbayad para “ayusin” ang problema na hindi naman talaga epektibo, o ang mas malala pa, magbibigay-daan para ma-access nila ang personal mong impormasyon. Idetalye natin ito para matukoy mo ang mga scam na ito at mapanatiling ligtas ang iyong pera at data.
Paano gumagana ang mga scam na ito?
Kadalasan, nagsisimula ito sa pamamagitan ng tawag sa telepono mula sa isang tao na talagang tunog legit. Puwede niyang sabihin na may virus ang computer mo, kailangan nito ng agarang update, o na-hack ito. Pagkatapos, mag-o-offer siya ng mabilis pero pekeng solusyon—may bayad, siyempre. Puwede niyang hingiin ang credit card number mo o puwede ka niyang sabihan na magpadala ng bayad online.
Sa ilang pagkakataon, hihilingin niya na i-access ang computer mo nang remote para “tulungan” ka.
Pero sa halip na maayos ang anuman, mag-i-install siya ng malware—masamang software na puwedeng magnakaw ng iyong personal na impormasyon gaya ng mga password, detalye ng bangko, o maging pagkakakilanlan mo!
Maging matalino
Manatiling kalmado! Sundin lang ang mga simpleng hakbang na ito para mautakan ang mga scammer:
- Humindi: Huwag kailanman magpadala ng pera o mag-share ng mga personal na detalye sa isang taong tatawag na lang basta-basta. Kahit nakakakumbinsi siya, hindi ka ipe-pressue nang ganoon ng isang totoong kumpanya.
- Manatiling may kontrol: Huwag kailanman bigyan ng access sa computer mo ang isang estranghero. Kapag nakapasok na siya, magagawa na niya ang anumang gusto niya.
- Ibaba agad ang tawag: Kung ipe-pressure ka niya, magbabanggit siya ng bayad sa subscription, o kung kahina-hinala siya sa anumang paraan. Hindi kailangang maging magalang sa isang scammer.
- Tumawag para sa tunay na tulong: Kung sa tingin mo ay totoong may problema ang computer mo, kontakin ang software company mo o isang mapagkakatiwalaang repair service. Huwag umasa sa mga random na caller.
- Kumilos agad: Kung sa tingin mo ay na-scam ka, kumilos sa lalong madaling panahon. Kung nagpadala ka ng pera sa pamamagitan ng Western Union, tumawag agad sa 1– (800) 448-1492, kung hindi pa nakukuha ang pera, baka kaya ka nilang i-refund.
Umiwas palagi sa mga scammer
Kung na-scam ka o may kakilala ka na na-scam na nagpadala ng pera sa pamamagitan ng Western Union, i-report ito agad sa pamamagitan ng pagtawag sa Western Union Fraud Hotline sa 1-800-448-1492. Palaging mas maganda kung ire-report mo ito para maiwasang mabiktima ang iba.
#BeFraudSmart: Ang kaalaman ay kapangyarihan! Kaya mo ’yan. Tumingin ng mga tip at impormasyon sa kung paano papanatilihing ligtas ang sarili mula sa panloloko.