Kapag pumupunta sa Vietnam, napakaraming puwedeng matuklasan pagdating sa cuisine. Nagbibigay ang Vietnamese cuisine ng napakaraming iba’t ibang pagkain na masarap na, masustansya pa. Mag-ready na para sa isang culinary journey sa Vietnam at kilalanin ang apat na tradisyonal na pagkain.
1. Phở: ang classic na sabaw
Hindi lang basta isang noodle soup ang Phở — ito ang pambansang pagkain ng Vietnam. Ang masustansyang sopas na ito ay binubuo ng rice noodles, sariwang herbs, mga gulay, at malambot na baka sa isang malinamnam na bone broth. Sa paghigop ng Phở, agad kang makakaramdam ng init at perfect itong comfort food sa malalamig na araw.

2. Bún chả: inihaw na treat
Baka hindi mo pa kilala ang classic na ito, pero kasingsarap lang din ng Phở ang Bún chả. Ang pagkaing ito ay binubuo ng inihaw na liempo at rice noodles, na inihahain sa medyo maligamgam na broth. Ang the best sa Bún chả? Puwede ito sa almusal, tanghalian, o hapunan.

3. Bánh Rán Mặn: malutong at malinamnam
Kung naghahanap ka ng unique na meryenda, subukan ang Bánh Rán Mặn: malulutong na deep-fried rice cake na inihahain nang may masarap na pork filling at matamis at maalat na patis. Perfect na meryenda at talagang masarap.

4. Chè Trôi Nước: matamis na sorpresa
Hindi kumpleto ang pagkain kung walang panghimagas. Ang Chè Trôi Nước ay mga sticky rice ball na may palamang munggo at inihahain nang may maligamgam na ginger syrup. Ang matamis at maanghang na delicacy na ito ay perfect na ending sa pagkain mo.
Travel Hack: Kumuha ng cash sa lokal na currency
Posibleng hindi tumatanggap ng mga card payment ang mga restaurant sa Vietnam. Para maiwasang magkaproblema pagkatapos kumain, palagi ka dapat may Vietnamese đồng kapag gumagala ka. Sa Western Union, puwede kang mag-pick up ng pera sa lokal na currency mula sa daan-daang libong lokasyon sa buong mundo. Bago ka bumiyahe, pumunta sa westernunion.com at padalhan ang sarili ng perang ipi-pick up mo. Alamin pa ang tungkol sa pag-transfer ng pera sa Vietnam!
